Africa
Ito ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga 30,244,050 km² (11,677,240 mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika.
Mga paraan ng pagtanggap ng bisita sa Africa
Persia
Ang Persa (Persian: فارسی, Fārsi; Kastila: persa) ay isang wikang Indo-Yuropeo. Opisyal itong wika sa Iran, Afganistan sa pangalang Dari (دری), at Tayikistan sa ngalang Tayiko(Тоҷикӣ, Tājiki). Nagtataglay ang wikang ito ng maraming salita galing sa Pranses at Arabo. Ginagamit ng Persa ang sulat Arabo, maliban sa Tayikistan kung saan ang alpabetong Siriliko ang kasalukuyang ginagamit. Ang Persa ay ang unang wika sa silibisasyong Islamiko na lumaban sa monopolyo ng wikang Arabe sa pagsusulat, at itinatag bilang tradisyon sa mga silangang korte ang pagsulat ng tula sa Persa. Ilan sa mga sikat na panitikan sa Persa ay ang Shahnameh ni Ferdowsi, ang mga gawa ni Rumi, at iba pa.
Mga paraan ng pagtanggap ng bisita sa Persia
----------------------------------------------------------------------------------
Kapag pumunta ka sa Africa at Persia, hindi lang ang lugar ang ipinagmamalaki kundi ang mga tao rin. Kadalasan, kapag nagbakasyon ka dito, mapapansin mo ang kaugalian at personalidad ng mga tao roon sa Africa at Persia ang kadalasang kaugalian ng mga Aprikano/Aprikana at mga Persian ay ang kanilang pagtanggap sa bisita o “hospitality.”
Maliban sa mga magagandang lugar na makikita sa dito, kilala rin ito dahil sa ibang klaseng kabaitan na mararanasan mo mula sa mga tao rito. Hindi mo lang mararamdaman na bisita ka, mararamdaman mo na parang bahagi ka na ng kanilang pamilya.